Ang una kong blog sa wordpress: Digital Activism

Ito ang una kong blog sa website na ito. Bunga ito ng workshop na nadaluhan ko na isinagawa ng The Asia Foundation para sa mga kinatawan ng mga Civil Society Organizations tulad ko.

Digital Activism: Ang bagong uri ng pakikibaka. Makabagong paraan, lalo para sa akin upang maipakalat sa mga “netizens” ang adbokasiya ng karapatang pantao.

Sa mga halimbawa na pinakita sa welcoming remarks at sa first speaker, maraming bansa na ang nakinabang dahil sa pagunlad ng information technology. Dati-rati, kinakailangan na maglabas ng mga polyeto at mag-“mass D” o kaya may OPD (operation pinta at dikit) sa mga pampublikong lugar partikular sa mga unibersidad at kolehiyo, business establishments, divider ng mga highways at kahit saan pa basta makita ng madla.

Bagama’t patuloy pa rin ang ganitong gawain ng mga kasama natin sa pakikibaka, may mga bagong teknolohiya at mga tools na maaari gamitin para maipakalat ang mga mensahe at adhikain. Halimbawa nalang nitong wordpress. Itong wordpress na ito ay ginagamit para sa mga bagong usbong na manunulat na tinatawag na “blogger”. Blog site ang tawag sa mga website tulad ng wordpress na pinaglalagayan ng blog. Blog naman ang tawag sa kahit anong isusulat mo sa blog site. Maaari itong essays, quotes, opinions, invitations at kung anu-ano pa.

Maaari ding gumawa ng micro-blog na puwedeng ilagay sa twitter. Micri-blog, parang announcement lang naman ito na puwede mong ipaalam sa mga kasama mo o mensahe mo na ipapaskil mo sa bulletin board. Bagama’t limitado ang kapasidad, malaki pa rin ang imapct nito lalo kung may fina-“Follow” ka na importante sayo o mag nagfa-“follow” sayo. Bongga diba?

Cellphone! Kung may bagong parte ng katawan na maaaring tumubo sa katawan ng tao, ito ay ang cellphone. Lahat ng Pilipino ay may cellphone. Pag wala ang isa nito, sigurado, para ka ng bulag na di nakakakita o bingi na di nakakarinig. Well, over-reaction pero katotohanan na yan sa mga Pilipino.

FACEBOOK! Ang bagong kaluluwa ng mga tao! Sabi ko nga, kung di mo mabubuksan ang FB account ng isang araw, para mo na ding nilapastangan ang iyong dignidad. Well, OA pero sa FB mo kasi pina-package ang iyong sarili! Kung baga, kung di ka naligo ng isang araw, amoy araw o mala-durian o bayabas ang umaalingasaw sa katawan natin. Ganun din sa FB! Di mo ito ayusin, di ka na mukhang tao. Hehehe! (Joke lang ito, pero you get the point. Aminin mo na! :-p). Sa mga tibaktibista ng karapatang pantao, dapat, updated namin ng FB namin ng mga updates at mga statements para ma-inform ang mga ka-network namin at ka-network ng ka-network namin. Kung di namin ‘to gagawin, wala na kaming silbi sa adhikaing KP.

Kung gayon, ang teknolohiya ay malaki ang naging impact sa mamamayan! Kaya maganda din na magamit ito ng mga aktibista (tulad ko, ETCHING!!!!) upang mapakalat sa madlang pipol ang mga iba’t-ibang kasalanan ng estado sa mga mamamayan. Human Rights Violations kung baga.

Para sa aking pag-landing sa wordpress.com, gusto kong i-share ang tulang gawa ng aming kasama, si Gregorio “Greg Star” Bituin jr.

ang aktibismo’y di lang rali sa lansangan
pagkat kayrami pang larangan ng labanan
ang tunggalian sa parlyamento’y naririyan
pati mismong kompyuter ay maaasahan

gamitin ang facebook, twitter, yahoo’t iba pa
upang ang iba’t ibang isyu’y ikampanya
tulad ng karapatang pantao ng masa
nang maipagtanggol ang mga tulad nila

gamitin ang plurk, bit.ly, four square, qik, linkedin
sa mga isyung mahalagang talakayin
pati iba’t ibang paninindigan natin
sa kinakaharap nating mga usapin

mahalagang arena ang komunikasyon
gamit na ang kompyuter sa labanan ngayon
dagdag nang armas sa arsenal natin noon
sa mga tibak isa itong bagong hamon

m@RrrR@m!nG SsXh&Lm@tT PppHo00WsSXxx! Jejejeje!!! :-p

Advertisements

About Olegs

Human rights defender and educator. Blogger wannabe. Father, Husband, Son, Brother, Friend, Comrade, Servant.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

6 Responses to Ang una kong blog sa wordpress: Digital Activism

  1. kamalayansakanlungan says:

    nice naman… bisitahin mo din ako.. hehehe kaso puro tula ung akin
    yung sakin puro tula lang eh..
    tol, konting proofread lang sa mga spelling nababaliktad ung iba.

    • Olegs says:

      Ayus nga bok eh. Ang Blog naman kahit anu-ano naman yan eh. Wala namang specific form upang matanggap bilang “BLOG”. Sige ba! Basta pag may comment, post lang ng post. Gusto ko ding mag-improve eh. 😀

  2. akosicamz says:

    “Kung gayon, ang teknolohiya ay malaki ang naging impact sa mamamayan! Kaya maganda din na magamit ito ng mga aktibista (tulad ko, ETCHING!!!!) upang mapakalat sa madlang pipol ang mga iba’t-ibang kasalanan ng estado sa mga mamamayan. Human Rights Violations kung baga.”

    i like the Etching part! hehe ^^
    tama ka kuya olegs malaking tulong ang cyber world sa magpapakalat sa “madlang pipol” ng ating adbokasiha.

    • Olegs says:

      Kaya na-appreciate ko yung mga sinusulat mo eh. At the same time, you are setting an example sa mga ibang tao na naliligaw ng landas. Dami jan sa tabi-tabi mo! Hehehe! ETCHING!!!! :-p

      Seriously now, you are setting an example sa mga fellow volunteers sa mga contributions mo especially sa pagsusulat. Great job Camz! Idol kita, seriously! 😉

  3. awit says:

    grabe ok ka naman mahal sumulat ha! HIndi dahil sa mahal kita kaya ganyan ang comment ko…minsan kasi kakakumpara natin sa iba, nawawala na tayo ng gana, kaya tayo na mahal lumikha ng sarili nating pagkakakilanlan sa pagsulat! Salamat at nakilala kita at nakilala mo din ako!

    • Olegs says:

      Mahal! Salamat at na-appreciate mo gawa ko. Pero kailangan ko din ang tulong mo para makinis ko pa ang skill ko sa pagsusulat. Gusto ko din yung idea na gagawa tayo ng sarili nating style ng pagsusulat. Game ako dun! Natatandaan mo ba yung kuwento na gusto mo buuin? 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s