(Un)Proud to be Pinoy… Sa ganitong sirkumstansiya

Tama nga siguro sinabi dati ni Bro. Armin Luistro, FSC (na ngayon ay kalihim ng DepEd) noong panahon ni GMA. Sa mga panahong ang ating dignidad bilang tao ay niyuyurakan at ang ating demokrasya’y nanganganib na mawala, sa panahong kapwang Pilipino ang siyang may kagagawan, NAKAKAHIYANG MAGING PILIPINO. Noong una kong nalaman at narinig yan (salamat sa aking kaibigan-kapatid na volunteer na si Reymond Montejo), nagpanting talaga ang tenga ko. Sabi ko pa nga, ang pagka-Pilipino natin ang isang bagay na di mawawala sa atin. Kapag ikinahiya mo ang pagka-Pilipino mo, ikinahiya mo na din ang buong pagkatao mo kasi siyempre Pilipino ka eh. Napaliwanagan naman ako ni Mr. M, ngunit ‘di ko lubos na matanggap.

Ngunit ngayon at lumabas ang House Resolution 1135, kung saan ang isang dating
Diktador na naging modelo ng isang marahas, mapanupil at gahaman na pamamahala ay ihihimlay katabi ng mga nag-alay ng buhay para sa kapayapaan at kalayaan at buhay ng lahat, nagbalik sa akin ang mga kataga ni Bro. Armin. Nahihiya ako kasi marami sa atin ngayon, partikular ang mga mambabatas natin, ay sang-ayon dito.

Isipin niyo nalang kung bakit galit na galit tayong lahat kay GMA dahil nahahalintulad natin siya kay Macoy, diba? Baka sa susunod na henerasyon pati si GMA ay ilibing sa Libingan ng mga Bayani. Para na rin natin sinabing bayani si GMA. Kung ganun pala eh di gawin na rin nating modelo at bayani sila Mussolini at Hitler at iba pang mga pasistang diktador!

Proud tayo na bayani natin si Dr. Jose Rizal dahil sa kanyang pamamaraan. Minulat niya tayo upang labanan ang mga kleriko-pasista at imperiyalistang kastila. Proud tayo na bayani natin si Andres Bonifacio at mga katipunero sapagka’t mas pinili nila na lumaban upang iangat ang dignidad ng mga ”indio” at patalsikin ang mga dayuhan. Proud tayo kina Macario Sakay kasi di sila nalinlang sa mala-gintong pangako ng mga kano at lumaban para palayasin sila. Proud tayo sa mga hukbalahap at ibang gerilya dahil hindi sila natinag laban sa mga hapon. Sila ang mga tunay na bayani at hindi ang mga tulad ni Marcos na kumitil ng maraming buhay sa ngalan ng kayamanan at kapangyarihan!

Nasaan na ang “sense of history” natin? Nasan na ang “sense of justice” natin? Masyado ba tayong magpakumbaba at mapagpatawad sa punto na ililibing natin ang isang diktador katabi ng mga tunay na bayani? Wala na bang saysay ang People Power? Mas pipiliin ba nating kalimutan ang makasaysayang pagpapatalsik sa isang diktaturya para sa isang huwad na paraiso na pinangako ni Macoy? At kung ikaw ay sumagot ng OO proud ka pa rin ba na maging Pilipino?

http://www.abs-cbnnews.com/anc/04/12/11/most-congressmen-favour-marcos-burial-heroes%E2%80%99-cemetery

Picture nicked from wired.com

,

Advertisements

About Olegs

Human rights defender and educator. Blogger wannabe. Father, Husband, Son, Brother, Friend, Comrade, Servant.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

4 Responses to (Un)Proud to be Pinoy… Sa ganitong sirkumstansiya

  1. Ramon Parica says:

    amen…

    napipi na lang ako.

  2. Pingback: [Blogger] (Un)Proud to be Pinoy… Sa ganitong sirkumstansiya- olegs87.wordpress.com | Human Rights Online Philippines

  3. Reymond Montejo says:

    Kuya Olegs, I agree with you!!!
    Sorry sa mga Congressmen natin, pero sa tingin ko isang malaking “KAHANGALAN”/”FOOLISHNESS” ang pinasa nilang batas na ito…

    Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makita ang magandang dahilan upang ituring na bayani ang isang diktador!!!!

    Madami namang libingan dyan, eh…Bakit sa Libingan ng mga Bayani pa nila pinagsisiksikan si Ferdinand Marcos!!! OO AT BILIB ako sa katalinuhang ipinamalas ni Marcos nung nabubuhay pa siya…pero di sa mga ginawa n’ya!!!

    Nais ba ng ating mga mambabatas na tularan ng mga KABATAAN si Marcos??? Gawin ba namang bayani ang isang gahaman, mapaniil, at halos sumpain na ng mga tao sa loob at labas ng Pilipinas…nasaan na ang pag-ibig sa bayan??? Hindi ba nila mahal ang Pilipinas???!!! Dahil kung mahal nila ang PILIPINAS, hindi nila pahihintulutang kalimutan na lang ang mga paniniil na ginawa ni Marcos!!!

    Sa mga kamag-anak ng aming mahal na dating-Pangulong Marcos:
    Kung gusto niyo, may lupa kami sa Samar na pwede niyang paglibingan!!!
    Dun na lang s’ya!!!
    Free ko nang ibibigay sa kanya!!! Magpagawa pa s’ya ng MOSOLEO!!!

    Sa mga Kagalang-galang na mga Kinatawan ng Kongreso:
    Nakinabang din ba sa Martial Law ang mga pamilya ninyo kaya niyo itinuring na bayani si F.Marcos??? Hindi ko pa rin makita ang liwanag sa isyung ito!!! pwede ba paliwanagan ninyo ako!!! Sana mabasa ninyo!!! Nakakagigil po kasi ang mga asal ninyo!!!

    Sa mga kapwa ko Kabataan:
    Nawa’y huwag natin balewalain ang mga sakripisyong ginawa ng ating mga magulang!!! Huwag nating tularan ang gawing sutil ng ating katandaan!!!

    Sa aking mga Kababayan:
    Nawa’y tumimo sa ating mga puso ang diwa at mga aral ng “Martial Law.”

    Manahan nawa si Hesus sa ating mga puso . . . MAGPAKAILANMAN!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s