‘Till DEATH do us part

Hanggang saan ang hangganan sa pagsisilbi lalo sa mga kapatid na kapus-palad at biktima ng kawalan ng katarungan sa ating lipunan? Hanggan saan? Kamakailan lang, ay nanggaling ako sa isang seminar patungkol sa ”Spirituality of Stewardship and Service”. Sponsored ito ng Socio-Pastoral Institute (SPI) at ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) na kungsaan, layon nila na palaganapin ang kahalagahan ng stewardship sa mga taong gobyerno. Maganda ang hangarin nila na palaganapin ito pagka’t kailangan talagang tulungan ang pamahalaan partikular ang pangulo na mamuno sa ating bansa at sa pamamagitan ng stewardship, pinapakita ang kahalagahan ng kanilang tungkulin bilang mga LINGKOD BAYAN o sa ingles ay public servant. Naalala niyo pa yung una kong blog tungkol sa lingkod bayan? Kung ano ang depinisyon ko sa lingkod bayan sa una kong blog ay siya rin ang gusto naming ipaalala sa kanila.

Siguro nga, merong spirituality sa paglilingkod sa bayan. Lalo sa bayang marami ang naghihikahos. Ang pagsisilbi nga naman talaga ay dapat walang kapalit na malaking halaga. Kaya ang ”totoong” pagsisilbi ay isang spiritual na paglalakbay pagka’t nakikita natin ang sarili natin na kasama at kaisa natin ang mga kapuspalad nating mga kapatid upang maiangat natin ang kanilang dignidad bilang tao at umunlad sa buhay. Tulad ng ginawa ni Hesus! Nagsilbi siya sa mga tao lalo sa mga mahihirap at kahit mga hindi Hudyo! Wala siyang pinipili kung ’di ang mahihirap. Preferential option for the poor kung baga, kaya yung misyon niyang iyon ang naging hudyat ng kanyang kamatayan pagka’t alam niya, na sa pagsisiwalat ng kabulukan ng sistema ng lipunan at pagmumulat ng isipan ng mamayan lamang makakamtan ang “new heaven and new earth”. Kaya ba nating tapatan ang sakripisyo na ginawa niya upang iangat ang buhay at dignidad ng tao?

Kahapon lamang ay nakilala ko ang dalawang Sri Lankan. Clueless ako sa kanilang pakay at nagulat pa ako nung sinama ako nila bosing upang makausap sila. Bilang isang mabuting “steward” siyempre hindi na ako tumaggi. Pinabasa sa akin ang liham at ayon sa sulat nila, isang knowledge sharing ang gusto nila. Gusto nilang malaman kung ano ang ginagawa ng TFD lalo sa sitwasyon ng Pilipinas at ano ang mga paraan upang magkatulungan ang dalawa. Nang makilala namin sila, binigyan nila kami ng “natsit” ng bansa nila. Mas grabe pa sitwasyon ng bansa nila! Parang martial law ni Makoy! Sa pagtatanong, siniwalat din nila na nangangannib ang buhay ng mga human rights advocates at defenders ng bansa nila. Gawa na din ng counter-insurgency campaign ng gobyerno nila laban sa Tamil Tigers at mga supposedly supporters nila, kasama na dito ang mga human rights defenders, particularly sila. Tulad dito, basta basta nalang dinudukot ang mga human rights defenders! Mapalad nalang kung sila ay matatagpuan sa kulungan. Karamihan sa kanila ay hindi na natatagpuan.

Eh alam pala nila na nanganganib ang buhay nila at tukoy na tukoy sila bilang mga human rights defenders, bakit pa sila babalik? Naalala ko na dalawang beses itinanung iyon sa dalawa naming panauhin. Ang sinabi nalang nila, expired na ang tourist visas nila sa ating bansa. Wala na din silang resources dito kaya minarapat nalang nila na bumalik. Ginawa namin ni Egay, isa kong katrabaho ang aming tungkulin. Nagbigay kami ng orientasyon tungkol sa natsit ng ating bansa at ang aming opisina. Nagtanong sila kung sa paanong paraan kami makakatulong at mga humingi sila ng mga ideas kung paano mag-share ng info ng hindi mahuhuli? At ano ang maaaring gawin upang ma-inspire at mawala ang takot ng mga tao upang lumaban? Binahagi namin ang mga naging karanasan namin nung panahon ni PGMA at mga personal na karansan nung panahon na kumikilos pa kami nung kabataan. Nagtanong uli kami, hindi ba kayo natatakot na bumalik kahit alam niyo na magiging mapanganib kung kayo ay babalik? Ang sabi nalang nung isa ay ”We only live once! I am leaving it all to up above” .

Nagkakuwentuhan pa kami at nagpaalam na. Kaunting words of encouragement, at nauna na sila. At habang nagkakuwentuhan kami ni Egay, kinilabutan, namangha at biglang bumuhos ang awa ko sa kanila sa repleksyon ni Egay. Sila ay MAMATAY. Ang pagpunta nila dito sa Pilipinas at pagbalik sa bansa nila ay isang act of sacrifice. Sila ay nagiiwan nalang ng mga “footprints in the sand” na kung saan, kung may mangyari man sa kanila, ay nabahagi nila sa amin nag kanilang pakikibaka at makatulong kami sa kanilang pakikibaka sa kanilang bansa. Halimbawa ay si Ninoy. Alam naman niya na mamamatay siya, pero mas pinili niyang bumalik upang makiisa ang ibang bansa sa pakikibaka ng Pilipinas na makalaya sa diktador na si Makoy.

Bilang isang kristiyanong naglilingkod sa mga mahihirap at inaapi, sadyang ang pagsunod sa yapak ni Hesukristo ay hindi biro. Kailangang mangingibabaw ang pagmamahal lalo sa sinumpaang tungkulin. Ayon nga sa 1 John 3:16 “… we know love by this, that he laid down his life for us – and we ought to lay down our lives for one another”. Tulad ng dalawang Sri Lankan na nakilala ko at mga kapatid nating nagbuwis ng buhay sa ngalan ng hustisiya, karapatang pantao at pambansang kalayaan, mas pinili nilang ialay ang kanilang buhay para sa ibang tao, tulad ng ginawa ni Hesus.

Babalik tayo sa tanong kanina. Hanggang saan ang hangganan sa pagsisilbi lalo sa mga kapatid na kapus-palad at biktima ng kawalan ng katarungan sa ating lipunan? Hanggan saan? Ayon sa karanasan ng mga human rights defenders na nauna na… HANGGANG KAMATAYAN.

Picture nicked from http://bikyamasr.com

Advertisements

About Olegs

Human rights defender and educator. Blogger wannabe. Father, Husband, Son, Brother, Friend, Comrade, Servant.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s