WALA! WALA! WALA!

Mga kapatid! Totoo nga! Totoo ang aking hinala! Ang ating pangulo ay isang philosopher king! Ayon kay Socrates, nararapat ang isang philosopher king upang pamunuan ang isang lipunan. At taas noo kong ipinagmamalaki iyon! Ang pilosopiya ng ating pangulo? NIHILISIM! Ang isang nihilist ay naniniwala na ang buhay at lahat ng bagay sa mundo ay walang halaga, kung gayon ang lahat ng ito ay papunta sa WALA! Kung gayon, ang kanyang ”mga boss” ay walang halaga sa kanya at ang kanyang tungkulin ay walang halaga! Kung gayon ang ating bansa ay papunta sa WALA!

Ang halaga ng sakripisyo at pagkamatay ng kanyang amang si Ninoy, well, ay walang halaga sa kanya! Kaya iniwan niya kay VP Binay ang desisyon kung saan puwede ilibing ang dating pangulo at guiness record holder na si Makoy. WALA din napunta, mga kapatid, pagka’t ililibing ang WALANG buhay na si Makoy with FULL MILITARY HONORS, my goodness! Ang demokrasya na itinaguyod ng kanyang magulang matapos ang diktadura ay, para kay Pnoy, ay WALA!

Ang buhay ng mga nangamatay na mga aktibista at inosenteng sibilyan nung nakaraang rehimen ay hanggang ngayon ay WALA! Isang batas ang mejo (mejo lang) nagkakaroon ng linaw at yan ang batas laban sa SAPILITANG PAGKAWALA. Pero ang mga biktima at kanilang pamilya ay WALA pa ring linaw.

Ang kinabukasan ng mga manggagawa natin ay mukhang papunta sa WALA kasi WALA siyang tugon upang sugpuin ang kontraktwalisasyon. At dahil dun, wala ding patutunguhan ang Conditional Cash Transfer (CCT) dahil hanggang ngayon ay WALANG konkretong pagbabago sa mga nakatanggap ng benepisyong ito. Nagdagdag din P22 COLA para sa manggagawa pero WALA pa rin itong kuwenta dahil sa pataas ng pataas na presyo ng mga bilihin! Gawa na din ng WALANG pagtugon sa patuloy na pagtaas ng halaga ng krudo!

Sa mga kabataan? Wag kayong magalala! May patutunguhan ang inyong kinabukasan. Siyempre alam na natin yun… sa WALA! Ayon sa bagong istatistika, marami sa ngayon ay underemployed at siyempre marami pa rin ang unemployed! Ang mga graduate ng nursing ay naglipana sa BPO companies, therefore ang pinaghirapan nila at ang kanilang magulang ay napunta sa WALA!

Siyempre hindi papahuli ang isyu ng Spratley! Pagka’t napakatalino ng ating pangulo, ang naging tugon niya ay WALA! Sa WALA din napunta ang ating diplomatic protest in fact nakipagkamayan pa siya sa foreign minister ng China at siguro sinabi niya na WALANG mangyayaring masama sa dalawang bansa pagka’t WALA siyang itutugon dito.

Oh siya! Damay damay na tayo! Alam natin na WALA din naman patutunguhan ang blog na ito. Basta, one thing’s for sure! We are still on the track of the proverbial ”MATUWID NA DAAN”, that is the MATUWID NA DAAN PATUNGO SA KAWALAN!

Advertisements

About Olegs

Human rights defender and educator. Blogger wannabe. Father, Husband, Son, Brother, Friend, Comrade, Servant.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

4 Responses to WALA! WALA! WALA!

  1. teh lasing ka daw ba? hahaha… Hindi kay Socretes ang Philosopher King, Kay Plato yun tol, sa The Republic nya. Pero nice nice nice…

  2. anakngdesaparecidos says:

    Pangulong Aquino tandaan po natin ang, ang matuwid na daan ay bula kung ang tao ay PATULOY NA WINAWALA. Wala pa ring pagbabago.

    Kaso tsong, hindi kay Socrates ang Philosopher King, kundi kay Plato.

  3. Dars says:

    Kapatid, kailangan mong balikan ang iyong aralin sa Pilosopiya. Hindi si Socrates ang nagbigay ng konsepto ng pilosopong-hari. Si Plato yun ang kanyang istudyante. Basahin mo ang kanyang klasikong sulatin na Republika. Dahil si Plato ang gumamit ng Socratic philosopical inquiry method para gawin isang sistema ng paniniwala ang pilosopiya at hindi lamang pamamaraan ng paghahanap ng katotohanan at kaalaman.

    Hindi ako naniniwala ng may pilosopiya si Pnoy. Baka nga wala… Kung meron man ito ay bahagi lamang ng baka hegemoniya ng pilosopiya ng naghaharing uri. Basahin mo ang mga sulatin ni Hegel at Marx, baka makatulong na may magamit kang balangkas ng pagsusuri ng umiiral na kaisipan sa lipunan sa kasalukuyang panahon.

    Maaaring hindi rin ito nihilismo…. Bagamat naniniwala ang isang nihilista na ang saysay lamang ng buhay ay ang kasalukuyan dahil maglalaho lamang ito.

    Ganunpaman, hindi pilosophiya ang batayan sa anumang magiging desisyon ng pangulo sa usapin na dapat bang bigyan parangal si Marcos sa pamamagitan ng paglilibing nito sa Libingan ng mga Bayani.

    Simple lang ang isyung ito… Pulitika ang magiging dahilan. Ang pagkapit sa kapangyarihan maging ito may paglimot sa nakaraan kahit ito ay personal man.

    This is merely a political question not a philosophical one. Philosophy does not intend to glorify the philosopher but the idea that can change the world.

  4. Olegs says:

    Salamat sa pagbabasa at sa inyong comments. Oo ng pala, hango pala kay Plato yung “philosopher kings” mula sa “The Republic”. Salamat sa inyong puna!

    “Hindi ako naniniwala ng may pilosopiya si Pnoy. Baka nga wala… Kung meron man ito ay bahagi lamang ng baka hegemoniya ng pilosopiya ng naghaharing uri. Basahin mo ang mga sulatin ni Hegel at Marx, baka makatulong na may magamit kang balangkas ng pagsusuri ng umiiral na kaisipan sa lipunan sa kasalukuyang panahon.” Salamat Darwin! Will sure do kaso I prefer books kaysa e-books or internet sources. Sakit sa ulo magbasa sa monitor. Pero salamat sa advise! 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s