Hustisiyang atrasado, hustisiyang pinagkait; Hustisiyang pinagkait ay buhay na pinagkait

Solidarity fasting for political prisoners together with TFDP, MAG, PAHRA and PO's.

Likas sa tao ang makibaka para sa pagtatanggol niya sa kanyang karapatan at dignidad bilang tao. Walang sinuman ang gustong nagigipit o mapagkaitan ng dapat sa kanya. Kaya tinawag na karapatang pantao pagka’t ang mga ito ay karapatdapat sa tao. At sino ang dapat na makakasiguro na ang mga tao ay may seguridad sa lahat? Ang ESTADO! Sa prinsipyong “social contract” dahil sa paglago ng isang lipunan, minarapat ng mga tao na magkaroon ng isang gobyerno o pamunuan upang mapanatili ang kaayusan sa lumalaking pamayanan nila at nagsisilbi upang umunlad pa ang pamayanan. Kung gayon ang ideyal na estado ay nagpapasilidad ng pamamayagpag ng kaayusan at panatilihin ang “rule of law”, hustisya at kapayapaan.

Ngunit sa mga pagkakataon ang naatasan na magsilbi sa mamamayan ay siya mismo ang lumalabag sa karapatang pantao at nakikipagsabwatan sa mga mayayamang makasarili, hindi maiwasan na gumawa ng mga hakbang ang mga tao upang mabawi ang mga nararapat para sa kanila at pagsilbihan ang mga taong nakararanas ng pang-aapi na kung saan ang estado ang siya dapat na tumutugon. Nagiging marahas ang estado dito pagka’t ito ay hamon sa kanilang kapangyarihan. Umaabot pa sa punto na hindi na nila matukoy kung sino ang kalaban. Basta kung ikaw ay kumikilos upang magtanggol ng inyong karapatan at ng ibang tao o sector, ikaw ay ituturing na kalaban. Pagka’t ikaw ay kalaban ng estado, pagkakait sayo ang mga karapatan ninyo tulad ng makapagpahayag ng hinanaing, kalayaang makapaglakbay at ang pinakamalala ay ang pagkait sa iyo ng karapatang mabuhay.

Isang halimbawa si Tatay Umbrero. Si Tatay ay kilalang organizer ng mga magsasaka sa Cagayan. Nahuli siya nung panahon ng Martial law dahil sa pagsapi niya sa grupo na nagsusulong ng pambansang kalayaan mula sa diktaduryang Marcos. Napalaya siya bisa ng Executive Clemency nung 1993 sa ilalim ni Pangulong Ramos. Muli siyang hinuli nung 2003 at sinampahan ng mga kasong pawang walang katotohanan. Mga kasong inamin niya sa bisa ng tortyur. At dahil sa marahas na prosesong iyon ay nawalan siya ng pandinig pagka’t ayon sa kanya, pinaputukan siya ng baril malapit sa kanyang tenga. Taong 2011, 63 na taong gulang, ay nakitaan siya ng mga “spots” sa kanyang baga at ng muli siyang nagpatingin dahil siya ay nanghihina na at umuubo na ng dugo, napatunayan na siya ay may lung cancer at stage 4 na!

Ang mga ahensyang Medical Action Group at Task Force Detainees of the Philippines ay lumapit sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan mula Department of Justice, Board of Pardon and Parole, Commission on Human Rights at Malacañang. Sumangguni din sila sa Office of the Presidential Adviser for Political Affairs ngunit hindi rin nagkaroon ng malinaw na dulo ang paguusap na ito. Hanggang nalaman nalang ang mapait na katotohanan Sumalangit si Tatay Umbrero ng hindi man lang nalasapa ang sariwang hangin ng kalayaan kahit sa mga huling sandali ng kanyang buhay. To add insult to injury, lumabas ang executive clemency ni Pangulong Pnoy 4 na araw matapos ang kanyang pagpanaw.

Nakakapanlumo pero hindi dapat nagtatapos ang laban. Bunga ng kawalang pagtugon ng ating pamahalaan sa sitwasyon ni tatay Umbrero at ng mga bilanggong pulitikal at ng pangkabuoang karapatang pantao, ang mga kasama ni tatay na bilanggong pulitikal ay nagsagawa ng hunger-strike upang ipakita sa buong Pilipinas at sa buong mundo ang kawalang pagtugon at hustisya sa ating lipunan. Sa ganitong pagkilos, pinapakita lang na malayo pa ang ating kailangang marating upang makamtan natin lipunang makatao at abanse.

Ganito nalang kahalaga na malaman ng bawat madla ang kanilang karapatang pantao. Sa pag-alam ng ating karapatan bubukas ng panibagong pintuan ang ating kamalayan na dapat, sa sitwasyong tayo ay nagigigpit, ay meron tayong ginagawa upang mabawi natin ang kapangyarihan at magtaguyod ng pamahalaan na alam natin na tutugon sa pangangailangan natin at mamahalin natin pagka’t alam natin na atin ito at tayo mismo ang nagtayo nito gamit ang sarili nating kamay. Hindi na kailangan ng isa pang tatay Umbrero ang magbuwis na buhay upang patunayan na kailangan nating kumilos upang ipakita ang katiwalian sa namamayagpag sa panahon ng pagwaksi sa “kulturang wang-wang” . Ang hustisya na para sa tao ay pinagkait, buhay rin ay ipinagkait. Huwag natin iasa sa isang nagpapanggap na mesias ang lahat pagka’t siya din ay parte ng problema. Sa sama-samang pagkilos lang mababawi natin ang hustisya at kapayapaan na para sa ating lahat.

Mariano Umbrero passed away last June 15, 2011 without experiencing the sweet smell of freedom.

Advertisements

About Olegs

Human rights defender and educator. Blogger wannabe. Father, Husband, Son, Brother, Friend, Comrade, Servant.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

One Response to Hustisiyang atrasado, hustisiyang pinagkait; Hustisiyang pinagkait ay buhay na pinagkait

  1. Pingback: [Blogger] Hustisiyang atrasado, hustisiyang pinagkait; Hustisiyang pinagkait ay buhay na pinagkait | Human Rights Online Philippines

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s