WALA! WALA! WALA!

Mga kapatid! Totoo nga! Totoo ang aking hinala! Ang ating pangulo ay isang philosopher king! Ayon kay Socrates, nararapat ang isang philosopher king upang pamunuan ang isang lipunan. At taas noo kong ipinagmamalaki iyon! Ang pilosopiya ng ating pangulo? NIHILISIM! Ang isang nihilist ay naniniwala na ang buhay at lahat ng bagay sa mundo ay walang halaga, kung gayon ang lahat ng ito ay papunta sa WALA! Kung gayon, ang kanyang ”mga boss” ay walang halaga sa kanya at ang kanyang tungkulin ay walang halaga! Kung gayon ang ating bansa ay papunta sa WALA!

Ang halaga ng sakripisyo at pagkamatay ng kanyang amang si Ninoy, well, ay walang halaga sa kanya! Kaya iniwan niya kay VP Binay ang desisyon kung saan puwede ilibing ang dating pangulo at guiness record holder na si Makoy. WALA din napunta, mga kapatid, pagka’t ililibing ang WALANG buhay na si Makoy with FULL MILITARY HONORS, my goodness! Ang demokrasya na itinaguyod ng kanyang magulang matapos ang diktadura ay, para kay Pnoy, ay WALA!

Ang buhay ng mga nangamatay na mga aktibista at inosenteng sibilyan nung nakaraang rehimen ay hanggang ngayon ay WALA! Isang batas ang mejo (mejo lang) nagkakaroon ng linaw at yan ang batas laban sa SAPILITANG PAGKAWALA. Pero ang mga biktima at kanilang pamilya ay WALA pa ring linaw.

Ang kinabukasan ng mga manggagawa natin ay mukhang papunta sa WALA kasi WALA siyang tugon upang sugpuin ang kontraktwalisasyon. At dahil dun, wala ding patutunguhan ang Conditional Cash Transfer (CCT) dahil hanggang ngayon ay WALANG konkretong pagbabago sa mga nakatanggap ng benepisyong ito. Nagdagdag din P22 COLA para sa manggagawa pero WALA pa rin itong kuwenta dahil sa pataas ng pataas na presyo ng mga bilihin! Gawa na din ng WALANG pagtugon sa patuloy na pagtaas ng halaga ng krudo!

Sa mga kabataan? Wag kayong magalala! May patutunguhan ang inyong kinabukasan. Siyempre alam na natin yun… sa WALA! Ayon sa bagong istatistika, marami sa ngayon ay underemployed at siyempre marami pa rin ang unemployed! Ang mga graduate ng nursing ay naglipana sa BPO companies, therefore ang pinaghirapan nila at ang kanilang magulang ay napunta sa WALA!

Siyempre hindi papahuli ang isyu ng Spratley! Pagka’t napakatalino ng ating pangulo, ang naging tugon niya ay WALA! Sa WALA din napunta ang ating diplomatic protest in fact nakipagkamayan pa siya sa foreign minister ng China at siguro sinabi niya na WALANG mangyayaring masama sa dalawang bansa pagka’t WALA siyang itutugon dito.

Oh siya! Damay damay na tayo! Alam natin na WALA din naman patutunguhan ang blog na ito. Basta, one thing’s for sure! We are still on the track of the proverbial ”MATUWID NA DAAN”, that is the MATUWID NA DAAN PATUNGO SA KAWALAN!

Advertisements
Posted in Uncategorized | 4 Comments

Caught between a rock and a hard place

Eto ang aking tugon sa blog ni kasamang Ramon Parica. (http://monparica.wordpress.com/2011/06/11/spratly-spratly/#comment-21)

Sa scenario na yan, makikita natin ang vulnerabilities ng ating bansa dahil sa sistemang minana na natin sa mga dati nating mga pangulo. Kung magmamasid tayo at mananaliksik, makikita natin na dahil sa atrasadong mga priyoridad nila, nahirapan na tayong i-assert ang ating “political will” especially sa sensitive cases like territorial claims. Not to mention ang mga domestic issues na matagal na dapat natugonan ng ating bansa.

Uugatin ko ito matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. July 4, 1946, the United States “granted” us full control over our territorial jurisdiction. Bunga ito ng Tydings-Mcduffie Act prior ng WWII. As adviser daw, tuturuan daw tayo ng governance hanggang ready na tayo. Ngunit hindi naman lahat ng bagay ay ganung kadali lang; With conditions siyempre kaya we are taught that the US style of governance is the best style for our country. Sa economics, ganun dun. Dapat daw, we are suppose to open our market and resource to the Americans. Free market kasi eh, neo-liberal. Hence our 1:1 ratio of Philippine Peso to US dollars nung mid-20th century para madali ma-consume ang American products ng mga pinoy. Cold War din nung panahon na yun and being a little brown brother natin sa mga Kano, ang ating foreign policy ay nakatuon sa pagsuporta sa Estados Unidos mapa-ekonomiya at mapa- pulitika at mapa-militar. Kaya nga may American bases sa Philippines nuon for the purpose of stopping and isolating the communist China and USSR and demonstrating their strength in the Asia-Pacific region. Also, to assist the Philippines in its own effort to stop the spread of communists in the countryside; counter-insurgency baga. We received generous military aids from the US due to our subservience to their policy.

Due to that symbiotic relationship, the Philippines got the impression that the US will always come to the rescue of the Philippines. After the Iron Wall collapsed, so is the Soviet Union. Cold war ended and the US’ stay in our country was not renewed. China’s economy grew after the death of Mao. It had a steady growth of economy after Deng Xiao Ping’s economic reforms. At the end of the Cold War, it is already capable of developing its military so it can flex its muscles in asserting its claims especially in Spratlys. The Philippines on the other hand still continued to use the American formula of political-economy. It continued to liberalize its economy at the sake of national sovereignty. Where China succeeded, the Philippines failed. The Philippines continued its military formula to political problems. Counter-insurgency conflicts siphoned our country’s coffers. Corruption plundered millions of pesos, funds that could hopefully be used for education, health service, infrastructures, housing, food, national security.

Due to mismanagement cause by the usage of wrong political and economic models, here we are now. We are not able to take a firm stand except on diplomatic means. Like Ramon said, diplomacy still is the best way. But due to this kind of scenario where incursions and bullying happens in the Spratlys, we as a state cannot flex its muscles because we don’t have any muscles at all. We still continue to rely on the US despite its recent statement that it will not meddle into the South East Asia problem. Of course, The “Tuwid na Daan” slogan is a very late because we should have done that long ago. The only bullet left I guess is where the US will come into the picture, WITH CONDITIONS! And for sure, it will reaffirm our place into this international political economic arena as a lapdog of the hegemonic America.

Posted in Uncategorized | Leave a comment

‘Till DEATH do us part

Hanggang saan ang hangganan sa pagsisilbi lalo sa mga kapatid na kapus-palad at biktima ng kawalan ng katarungan sa ating lipunan? Hanggan saan? Kamakailan lang, ay nanggaling ako sa isang seminar patungkol sa ”Spirituality of Stewardship and Service”. Sponsored ito ng Socio-Pastoral Institute (SPI) at ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) na kungsaan, layon nila na palaganapin ang kahalagahan ng stewardship sa mga taong gobyerno. Maganda ang hangarin nila na palaganapin ito pagka’t kailangan talagang tulungan ang pamahalaan partikular ang pangulo na mamuno sa ating bansa at sa pamamagitan ng stewardship, pinapakita ang kahalagahan ng kanilang tungkulin bilang mga LINGKOD BAYAN o sa ingles ay public servant. Naalala niyo pa yung una kong blog tungkol sa lingkod bayan? Kung ano ang depinisyon ko sa lingkod bayan sa una kong blog ay siya rin ang gusto naming ipaalala sa kanila.

Siguro nga, merong spirituality sa paglilingkod sa bayan. Lalo sa bayang marami ang naghihikahos. Ang pagsisilbi nga naman talaga ay dapat walang kapalit na malaking halaga. Kaya ang ”totoong” pagsisilbi ay isang spiritual na paglalakbay pagka’t nakikita natin ang sarili natin na kasama at kaisa natin ang mga kapuspalad nating mga kapatid upang maiangat natin ang kanilang dignidad bilang tao at umunlad sa buhay. Tulad ng ginawa ni Hesus! Nagsilbi siya sa mga tao lalo sa mga mahihirap at kahit mga hindi Hudyo! Wala siyang pinipili kung ’di ang mahihirap. Preferential option for the poor kung baga, kaya yung misyon niyang iyon ang naging hudyat ng kanyang kamatayan pagka’t alam niya, na sa pagsisiwalat ng kabulukan ng sistema ng lipunan at pagmumulat ng isipan ng mamayan lamang makakamtan ang “new heaven and new earth”. Kaya ba nating tapatan ang sakripisyo na ginawa niya upang iangat ang buhay at dignidad ng tao?

Kahapon lamang ay nakilala ko ang dalawang Sri Lankan. Clueless ako sa kanilang pakay at nagulat pa ako nung sinama ako nila bosing upang makausap sila. Bilang isang mabuting “steward” siyempre hindi na ako tumaggi. Pinabasa sa akin ang liham at ayon sa sulat nila, isang knowledge sharing ang gusto nila. Gusto nilang malaman kung ano ang ginagawa ng TFD lalo sa sitwasyon ng Pilipinas at ano ang mga paraan upang magkatulungan ang dalawa. Nang makilala namin sila, binigyan nila kami ng “natsit” ng bansa nila. Mas grabe pa sitwasyon ng bansa nila! Parang martial law ni Makoy! Sa pagtatanong, siniwalat din nila na nangangannib ang buhay ng mga human rights advocates at defenders ng bansa nila. Gawa na din ng counter-insurgency campaign ng gobyerno nila laban sa Tamil Tigers at mga supposedly supporters nila, kasama na dito ang mga human rights defenders, particularly sila. Tulad dito, basta basta nalang dinudukot ang mga human rights defenders! Mapalad nalang kung sila ay matatagpuan sa kulungan. Karamihan sa kanila ay hindi na natatagpuan.

Eh alam pala nila na nanganganib ang buhay nila at tukoy na tukoy sila bilang mga human rights defenders, bakit pa sila babalik? Naalala ko na dalawang beses itinanung iyon sa dalawa naming panauhin. Ang sinabi nalang nila, expired na ang tourist visas nila sa ating bansa. Wala na din silang resources dito kaya minarapat nalang nila na bumalik. Ginawa namin ni Egay, isa kong katrabaho ang aming tungkulin. Nagbigay kami ng orientasyon tungkol sa natsit ng ating bansa at ang aming opisina. Nagtanong sila kung sa paanong paraan kami makakatulong at mga humingi sila ng mga ideas kung paano mag-share ng info ng hindi mahuhuli? At ano ang maaaring gawin upang ma-inspire at mawala ang takot ng mga tao upang lumaban? Binahagi namin ang mga naging karanasan namin nung panahon ni PGMA at mga personal na karansan nung panahon na kumikilos pa kami nung kabataan. Nagtanong uli kami, hindi ba kayo natatakot na bumalik kahit alam niyo na magiging mapanganib kung kayo ay babalik? Ang sabi nalang nung isa ay ”We only live once! I am leaving it all to up above” .

Nagkakuwentuhan pa kami at nagpaalam na. Kaunting words of encouragement, at nauna na sila. At habang nagkakuwentuhan kami ni Egay, kinilabutan, namangha at biglang bumuhos ang awa ko sa kanila sa repleksyon ni Egay. Sila ay MAMATAY. Ang pagpunta nila dito sa Pilipinas at pagbalik sa bansa nila ay isang act of sacrifice. Sila ay nagiiwan nalang ng mga “footprints in the sand” na kung saan, kung may mangyari man sa kanila, ay nabahagi nila sa amin nag kanilang pakikibaka at makatulong kami sa kanilang pakikibaka sa kanilang bansa. Halimbawa ay si Ninoy. Alam naman niya na mamamatay siya, pero mas pinili niyang bumalik upang makiisa ang ibang bansa sa pakikibaka ng Pilipinas na makalaya sa diktador na si Makoy.

Bilang isang kristiyanong naglilingkod sa mga mahihirap at inaapi, sadyang ang pagsunod sa yapak ni Hesukristo ay hindi biro. Kailangang mangingibabaw ang pagmamahal lalo sa sinumpaang tungkulin. Ayon nga sa 1 John 3:16 “… we know love by this, that he laid down his life for us – and we ought to lay down our lives for one another”. Tulad ng dalawang Sri Lankan na nakilala ko at mga kapatid nating nagbuwis ng buhay sa ngalan ng hustisiya, karapatang pantao at pambansang kalayaan, mas pinili nilang ialay ang kanilang buhay para sa ibang tao, tulad ng ginawa ni Hesus.

Babalik tayo sa tanong kanina. Hanggang saan ang hangganan sa pagsisilbi lalo sa mga kapatid na kapus-palad at biktima ng kawalan ng katarungan sa ating lipunan? Hanggan saan? Ayon sa karanasan ng mga human rights defenders na nauna na… HANGGANG KAMATAYAN.

Picture nicked from http://bikyamasr.com

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Teroristang walang kamalaymalay

Ako ay isang bininyagang kristiyano-katoliko at hindi ko ikinahihiya iyon. Naniniwala ako na ang simbahang katoliko ay nakapagbigay ng pinakamahusay na dahilan ng existensya ng isang “supreme being” o “God” na tinatawag, salamat kay Sto. Tomas Aquino at ang likha niyang Summa Theologica. At dahil din dito, sa pamamagitan ng mga Encyclicals na inilabas ng simbahang ito, mas binigyang linaw nito ang kaniyang tindig lalo sa isyu ng kahirapan at pangaapi na ito ay dapat sugpuin salamat sa Vatican II at iba’t ibang liberation theologians mula Latin America atbp.

Ngayon sa panahon na ito, pinagdedebatihan ang isyu ng RH Bill. Matagal na itong tinutulak sa kongreso pagka’t ayon na rin sa talaan, maraming ina ang namamatay dahil sa komplikasyon sa panganganak at upang magkaroon ang pamahalaan ng batayan upang sugpuin ito, ay sa pamamagitan ng batas. At ang tingin ng mga mambabatas dito na ang RH Bill ang solusyon dito. Tumutol ang simbahang katolika dito pagka’t, sa pagkakaunawa ko, mas iigting daw ang pagbebenta o pamimigay ng mga ”condom” at mga gamot na pampalaglag pagka’t kinikitil nito ang buhay na magbunga at/o kumikitil ng buhay sa sinapupunan. Nauunawaan ko ang simbahan, bagkus tama rin naman pagka’t buhay din ang nakasalalay, ’di nga lang buong buo sa pisikal na aspeto. Bilang isang ordinaryong mamamayan at naniniwala sa pananampalatayang katolisismo, ginagalang ko yan.

Hindi ako pupunta sa argumento ng Pro- o Anti- at hindi ako eksperto dun. Ngunit hanggang saan ang linya na kung saan ipaglalaban ng simabahan ang kanyang paninindigan? Kamakailan lang naglabas ng isang napaka-irisponsableng kataga ang VP ng CBCP na si Arch. Palma na tawaging “TERORISTA” ang mga nagtutulak ng RH Bill sa kadahilangang pumapayag tayong mamatay ang mga ‘di pa pinapanganak. TERORISTA? Ang pagkakaalam ko, ang terorista ay yung mga nangha-hijack ng eroplano at ibabangga sa building! O yung mga nangingidnap at namumugot ng ulo para sa pera sa harap ng kamera! O yung mga nagpapasabog ng bomba o yung naglalabas ng poison gas sa pampublikong lugar. O yung walang habas na pamamaril sa gitna ng mataong lugar! Yan ang alam kong gawain ng TERORISTA.

‘Di ko akalaing hahantong sa ganito! Dati kasama pa nga ang simbahan dahil ang mga Human Rights Defenders (HRDs) ay tinaguriang terorista ng estado at tinuring ding defenders ng HRD’s ang simbahan . Umabot sa puntong naglabas ng Human Security Act na kung saan halos lahat ng pag-exercise ng civil rights natin ay tinaguriang ”terorist” acts eh, at ang simbahan ay kaisan natin upang labanan ito. Ngayon, ang mga human rights defenders ay tinutulak ang RH Bill na maisabatas. Ang simbahan, tinaguriang terorista ang mga nagsusulong nito. Ang lungkot! Ang salalayan ng aking moralidad at pananampalataya ay tinatawag akong terorista pagka’t ako’y isang human rights defender at kinikilala ko ang reproductive rights.

Father forgive me for I have sinned. I confess of being a TERRORIST for advocating HUMAN RIGHTS.

Personal photo

Posted in Uncategorized | 1 Comment

Pasko ng pagkabuhay… Alay sa mga nagalay ng buhay

Kadalasan tuwing semana santa, sinasariwa natin ang buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Tinuring natin siyang napaka-“selfless” pagka’t inialay niya ang kanyang buhay para iangat ang buhay at dignidad lalo ng mahihirap at iligtas tayo mula sa “apoy ng impyerno” o “perdition”. Ano ba yung “apoy ng impiyerno” at “perdition” na tinatawag? Kung ihahalintulad natin iyon sa panahon ngayon, maaari ring sabihin na ang mga ito ay ang laganap na kahirapan at pangaapi na nararanasan lalo ng mga kapatid nating mardyinalisa. At ang buhay at kamatayan ni Hesukristo ay simbolo ng mga simpleng mamamayan at/o mga “Human Rights Defenders” na tinatawag na inapi ng estado at nagalay ng buhay sa pagsisilbi sa mga inaapi. Si Hesukristo nung panahon niya ay isang halimbawa ng isang HRD. Mas pinili niya na makiisa (hindi lang makisama) sa mga taong kinalimutan at inaabuso ng mga nasa kapangyarihan. Nag-organisa, nangaral siya at isiniwalat niya ang kabulukan ng sistema ng kanilang gobyerno at pati ng kanilang “simbahan”. At dahil dun, tinuring siyang kaaway! Siya ay tinugis, pinagtaksilan, pinahirapan at pinatay.

Patuloy siyang nabubuhay sa puso ng marami at marami din ang sumasabuhay sa kaniya na patuloy na nagsisilbi sa mamamayan lalo sa mga kapus-palad. Kahit na patuloy na nakakaranas ng panggapi, pangungutya, pagpapahirap at pagpatay ang mga HRD’s natin, sa kabila ng lahat, pinakita sa atin na kaya nating pagtagumpayan ang lahat ng iyan! Ayon kay Prof. Gerry Lanuza “Ipinakita sa atin ni Hesus na ang kamatayan, pang-aapi, at kahirapan ay kaya nating lagpasan at pagtagumpayan! Binigyan nya (Hesukristo) tayo ng panibagong bukas upang sa mas lalong matinding pakikibaka at pagsisilbi sa bayan na puspos ng pag-asa at pagmamahal!”

Nawa’y sa Pasko ng Pagkabuhay ay ipagpaptuloy natin, at bagkus, mas umigting pa ang pagsisilbi natin sa ating mga kapatid hanggang makamit natin ang lipunang walang nangaapi at isang kinabukasan na siksik, liglig at umaapaw ang grasya.

http://hronlineph.wordpress.com/2011/04/22/photo-blog-jesus-christ-was-a-torture-victim-cannotallowtorture-blogspot-com/

Picture nicked from http://vcolladojr.com; made by Joey Velasco

Posted in Uncategorized | 1 Comment

Lupang Pangako

Lupang Pangako! Mga tao’y nakagapos. Pait ng kahapon, araw araw ay dinaraos.

Lupang Pangako! Init ng araw o lamig ng ulan, hahamakin lahat, may mailagay lang sa kumakalam na tiyan.

Lupang Pangako! Pangako nila’y napako. Mga politikong abusado, mapanlinlang at nambobobo.

Lupang Pangako! Hanggang kailan bang ganito? Mga boses na napapaos, mga luha’y patuloy sa pag-agos.

Lupang Pangako! Ipunin ang enerhiya, ihanda ang sarili para sa pagbawi ng kapangyarihan.

Lupang Pangako! Tama na ang pagdarahop! Sama-samang lumahok, at kamtan ang pagbabago.

Picture nicked from lightstalkers.com, taken by Nana Buxani

Posted in Uncategorized | Leave a comment

(Un)Proud to be Pinoy… Sa ganitong sirkumstansiya

Tama nga siguro sinabi dati ni Bro. Armin Luistro, FSC (na ngayon ay kalihim ng DepEd) noong panahon ni GMA. Sa mga panahong ang ating dignidad bilang tao ay niyuyurakan at ang ating demokrasya’y nanganganib na mawala, sa panahong kapwang Pilipino ang siyang may kagagawan, NAKAKAHIYANG MAGING PILIPINO. Noong una kong nalaman at narinig yan (salamat sa aking kaibigan-kapatid na volunteer na si Reymond Montejo), nagpanting talaga ang tenga ko. Sabi ko pa nga, ang pagka-Pilipino natin ang isang bagay na di mawawala sa atin. Kapag ikinahiya mo ang pagka-Pilipino mo, ikinahiya mo na din ang buong pagkatao mo kasi siyempre Pilipino ka eh. Napaliwanagan naman ako ni Mr. M, ngunit ‘di ko lubos na matanggap.

Ngunit ngayon at lumabas ang House Resolution 1135, kung saan ang isang dating
Diktador na naging modelo ng isang marahas, mapanupil at gahaman na pamamahala ay ihihimlay katabi ng mga nag-alay ng buhay para sa kapayapaan at kalayaan at buhay ng lahat, nagbalik sa akin ang mga kataga ni Bro. Armin. Nahihiya ako kasi marami sa atin ngayon, partikular ang mga mambabatas natin, ay sang-ayon dito.

Isipin niyo nalang kung bakit galit na galit tayong lahat kay GMA dahil nahahalintulad natin siya kay Macoy, diba? Baka sa susunod na henerasyon pati si GMA ay ilibing sa Libingan ng mga Bayani. Para na rin natin sinabing bayani si GMA. Kung ganun pala eh di gawin na rin nating modelo at bayani sila Mussolini at Hitler at iba pang mga pasistang diktador!

Proud tayo na bayani natin si Dr. Jose Rizal dahil sa kanyang pamamaraan. Minulat niya tayo upang labanan ang mga kleriko-pasista at imperiyalistang kastila. Proud tayo na bayani natin si Andres Bonifacio at mga katipunero sapagka’t mas pinili nila na lumaban upang iangat ang dignidad ng mga ”indio” at patalsikin ang mga dayuhan. Proud tayo kina Macario Sakay kasi di sila nalinlang sa mala-gintong pangako ng mga kano at lumaban para palayasin sila. Proud tayo sa mga hukbalahap at ibang gerilya dahil hindi sila natinag laban sa mga hapon. Sila ang mga tunay na bayani at hindi ang mga tulad ni Marcos na kumitil ng maraming buhay sa ngalan ng kayamanan at kapangyarihan!

Nasaan na ang “sense of history” natin? Nasan na ang “sense of justice” natin? Masyado ba tayong magpakumbaba at mapagpatawad sa punto na ililibing natin ang isang diktador katabi ng mga tunay na bayani? Wala na bang saysay ang People Power? Mas pipiliin ba nating kalimutan ang makasaysayang pagpapatalsik sa isang diktaturya para sa isang huwad na paraiso na pinangako ni Macoy? At kung ikaw ay sumagot ng OO proud ka pa rin ba na maging Pilipino?

http://www.abs-cbnnews.com/anc/04/12/11/most-congressmen-favour-marcos-burial-heroes%E2%80%99-cemetery

Picture nicked from wired.com

,

Posted in Uncategorized | 4 Comments